Ang Pag-ibig ay Isang Oxymoron

Posted on May 20th, 2008 in Uncategorized by sweetsexylover

(forwarded stuff)

Ff1860_3Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo, at totoo pa rin. Ang labo di ba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan, pero naiintindihan mo. Walang wason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal, pero okey lang. Sus, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, ang sabi niya dati, “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi laude and standing niya. Pero dumating ang panahon, na in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon.

Lahat kasi ng nahahawakan ng love, nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang. Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya.

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating sya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma in-love!” biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galling galling mo? Pero pag problema mo na yung pinag-uusapan, parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang  tao?

Naiisip mong wala naming mali sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala rin tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang nalaman, ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap mabuhay. Pwede na ko mamatay. Now na!”

At hindi lang yon. Ang sarap ding pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan sila, eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ako sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yun, at pagbabagsak ng pinto. Hayup talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa, pag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Ang dami ko na kasing beses siyang nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko.

Pero wala pa rin akong alam. Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo, dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.

Why Do We Love Ba?

Posted on May 20th, 2008 in Uncategorized by sweetsexylover

Feelcolorlove_225

(forwarded stuff)

Why do we love ba? So we can have somebody to talk to? Someone who can be there pag gusto natin gumala? A person na puwedeng manlibre sa atin? Taong magbibitbit ng gamit mo? Alalay for short!

Eh pano kung di ka nya mahal? Would you still love him/her? Would you still continue to care for that person?

Bakit naman? You didn’t love that person para magkaroon ka ng alalay, magkaroon ka ng instant meal dahil libre, taong gagawa ng assignments mo or projects, or taong mahihila mo if you want to go out? If that’s what you think about love, well, sorry… ang babaw mo!

Loving a person doesn’t need to have a criteria na dapat maganda o guwapo, dapat loving a person doesn’t need to have a criteria na dapat maganda o guwapo, dapat mabait or understanding, kasi once you fall inlove you take the risk of accepting dat person kahit maingay sya matulog, yung hilik ng hilik, kahit matakaw sya o sobrang fat na hindi na hindi kayo kasya pag puno na ang jeep! Kahit sobrang moody sya na kulang na lang ay sapakin mo siya sa inis! Yung sobrang selosa na pati barkada pinagseselosanBad trip di ba? And yung napaka arte… OA kung baga! O kahit ano pang things that would turn you off.

Hirap talaga magmahal trying to be PERFECT kase gusto mong magtagal pero hindi iyon ang sagot sa lahat. ACCEPTING the real person fully kase if you said na mahal mo siya, you don’t need to find answers kung bakit mo siya mahal… kase lahat ng tao nagbabago but if you accept that person magbago man siya in the middle of your relationship, hindi ka masasaktan kase you know that darating din yun… tsaka tanggap mo siya ng buo… mahirap gawin pero masarap subukan, dahil wala ng sasaya pa if you let one person feel na MAHAL NA MAHAL mo siya, without asking for anything in return… then you can say… wow yun pala ang LOVE!

Being happy doesn’t mean everything’s perfect. It means you’ve decided to see beyond the imperfections.

11 Reasons Why U are still Single

Posted on May 14th, 2008 in Uncategorized by sweetsexylover

(forwarded stuff)

11. Destiny Adik
Eto yung mga naghihintay kay "Destiny"
na gumawa ng paraan para pagtagpuin
sila ng kanilang mga "partner in
life"…
Ayannn… Kapapanood nyo
ng "Serendipity" eh feeling nila ang
nangyari sa movie eh mangyayari rin sa
kanila… Such a cliche…
Hindi ba nila alam na kung walang
effort, destiny is useless…

10. Perfectionist/ Mapili
Yes, isang taong perpeksiyonista. ..
Yung tipong dapat ganito ang magiging
kapartner ko… Pag may nakilala,
nakita lang na pangit ang kuko o may
dumi lang, turn-off na agad…
O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa
mabait - boring daw, gusto ng bad
boy/pilya pero kapag pinaiyak ka,
tatanungin ka bakit ang sama mo at
bakit mo nagawa yun! Adik ka ba?!
Ayaw sa cute, ayaw din naman sa
panget. Meron dyan gusto ka ayaw mo
naman. Ung gusto mo eh halos
magtambling ka pero deadma pa rin yang
stunts mo sa kanya!
Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya?

9. Busy-busyhan
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw
lang sa libro at ballpen kung
estudyante ka o kaya naman sa computer
at files kung office staff ka. Yung
tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas
7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6
hanggang alas 8 ng gabi [baligtad
naman para sa mga nag tratrabaho sa
call center].. Sabay tulog na.. Kapag
Sabado masaya na sila sa Internet (o
sa Multiply/friendster ), sa pagkain na
niluluto ni mama at sa Linggo naman
sisimba at maghahanda na ng kelangan
para sa lunes hanggang byernes..
Pssssst.. Pause for awhile..

8. Friendship Theory
Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay
kay bestfriend o kaya kay special
friend na hindi masasabi-sabi sa
friendship nya sa loob ng kanilang
mahabang panahon na pagsasama dahil
baka daw maapektuhan ang
pakikipagkaibigan at iwasan sya..
Yung tipong pag may kasama si
friendship na iba, nagseselos na wala
naman sa lugar, pero syempre wag
pahalata, kunyari happy sya for
friendship..

Aba

! Oi lakasan mo ang loob at baka
mamaya forever mong pagsisihan yan kaw
rin. Minsan pa naman pareho kayong
naghihintayan. . Hmmp!

7. Born-to-be-one (Autistic)
Eto yung nasa palad na ang pagiging
single daw.. Walang reasons.. Basta
lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa
at feeling nya mamatay sya sa mundo ng
mag-isa..

Kesyo magmamadre o magpapari
na lang.. Asa kang tatanggapin ka pa
noh!

6. Happy-go-lucky
Eto yung taong walang alam kundi
kasiyahan at trippings.. Kahit sino
nalang basta no strings attached.. For
fun lang daw.. Walang halong
seryosohan..

Aba

hoy! Yang init ng katawan mo e
ikiskis mo nalang sa pader..
Makakahanap ka rin ng katapat mo!!!

5. Wrong Place

May nakaranas na ba nito? Yung
pakiramdam mo nasa ibang mundo ka.
Yung ang nakakaharap mo e yung mga
hindi mo gusto, yung mga hindi mo
hinahanap. Alam mo yun?
Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero
ang hinahanap mo e yung amoy ng nasa
sariling bayan mo. O kaya naman e nasa
sarili mong bayan ka, nasa normal na
lipunan, pero ikaw ang abnormal at
hindi mo kayang sabihin na abnormal
din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin
ka nila ng patiwarik.

4. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na "hindi
pa ako ready e, bata pa kasi ako" o
kaya naman "hindi pa ako handa sa
panahong ito, wala pa ako kayang
ipagmalaki.. "
Yes meron pong ganyan.. Yung feeling
nila may tamang panahon para sa love..
Awwwwwww..

Aba

kelan yun? Pag uugod
ugod ka na at yung time mo e bitin na?
O baka naman pag pang out of time ka
na? Oist, sugod lang ng sugod..

3. Si parents kasi!
Yes, factor din ang komunidad na
ginagalawan mo.. Una, ayaw pa ni mader
o pader na magkaron ka kahit 22 anyos
ka na at
kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago
magkaroon ng gf/bf..
O kaya naman ikaw mismo! Takot sa
sasabihin ni parents at ni kapitbahay
na tsismosa sa magiging kasama mo..

Aba

ikaw ba naman ang sabihan na "Alam
mo hindi kayo bagay.. Langit at lupa
kayo.." Awwwww.. Payo ko sayo,
Pakialam nila diba? Palibhasa inggit!

2. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami.
Ayaw ko na! Takot na ako mangyari pa
ang nangyari dati! O diba ang drama ng
layp? Yes, tama ka.. Eto yung dahil sa
past relationship mo, e until na ayaw
mo ng magkaroon at sinumpa mo na ata
ang magmahal.. Dahil sa pinagpalit ka
sa mas pangit, o kaya naman iniwan
ka ng walang word na bye-bye, o dahil
binugbog ka! Ano pa ba? Madami yan.
wag na nating isa isahin at baka
tumulo si tears.. Heheh!
Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga
hija at hijo.. Iba’t-iba ang lasa ng
pag-ibig.. May mapait, may mapakla,
may matamis at may maasim..

Aba

mapalad ka at natikman mo ang iba’t-
ibang lasa nito.. Kaya ikaw, do not be
afraid to fall in love again.. Malay
mo sweetiness na ang malasahin mo next
time.. E di panalo ka sa lotto.. Yan
ang nagpapalakas sayo, yan ang
bumubuhay sayo, ang pag-ibig.. Tsk!
Drama!

1. EX to the nth power
Oi aminin!!! LOVE parin si ex kahit 1
or 2 yrs na ang nakakalipas. . May
ganito naman.. Yung tipong ilang taon
ang nakakalipas, hindi parin
makalimutan si ex.. Yung pinagsamahan,
yung tawanan, yung iyakan, at Lahat ng
nangyari sa inyo nung kayo pa..
Malungkot man at sa kung anumang
kadahilanan, maganda man o masama ito,
kelangan nyong magpaalam sa isa’t
isa..
YES, after a year sasabihin natin, im
over him/her na, pero pag-usapan natin
ang love at ang nangyari sa ating
relastionship from the past,
TANDAANNNNNNNNNNNNN , eto na, sya agad
ang naalala mo.. At habang nagkukwento
ka, ouch may kirot, o kaya may ngiti
at may bumabagabag sa ating kalooban..
Ano kaya yun? AMININ mo na kasi MAHAL
mo pa si EX..
Isa lang ang masasabi
ko, well mahirap sya kalimutan, alam
ko yan, pero open your heart and
makipagdate ka, lumabas ka, at try to
entertain someone.. Wag mo ikumpara si
ex sa iba.. At give urself a Kitkat,
take a break